Iba’t ibang transport groups, nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni dating Sen. Bongbong Marcos
Suportado ng iba’t ibang grupo ng mga transportasyon ang kandidatura ni dating Sen. Bongbong Marcos sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 2022.
Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang suporta ay ang Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO); Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP); Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); at Tiger in Asia.
Nakipag-pulong ang mga opisyal ng mga nasabing organisasyon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para maging miyembro at gawing pormal ang suporta kay Marcos.
Sinabi ng mga lider ng grupo na si Marcos ang kanilang ‘best bet’ sa eleksyon sa pagka-presidente.
Tiwala ang grupo na magiging unifying leader si Marcos at madaming magagawa sa bansa.
Inihayag ng chief of staff ni BBM na si Atty. Victor Rodriguez na masalimuot ang problema ng sektor ng transportasyon kaya kailangan ito ng dagdag na pag-aaral.
Pero, tiniyak ng kampo ni Marcos na makabubuo sila ng malinaw at patas na polisiya matapos na makapagsagawa ng malawakang konsultasyon sa mga transport groups at stakeholders.
Moira Encina