Ibig sabihin ng green flag
Ibig sabihin ng green flag sa isang relasyon Mga kapitbahay, kumusta na? Sobrang init, sobrang maalinsangan. Kaya nga importante na uminom palagi ng tubig, hindi apat na baso o limang baso, gawin ninyong anim hanggang 10 baso ng tubig.
Pero teka, hindi pag inom ng tubig ang pagkukuwentuhan natin ngayon kundi may kinalaman sa lalong ikatitibay ng relasyon. Ito man ay sa mag-asawa, magkasintahan o kahit sa mga magkakaibigan.
Natatandaan ko noong makausap natin si Ms. Kim Baylon ng Philippine Mental Health Association, nabanggit niya na may green flag of healthy realtionships.
Madalas nating naririnig o mas pamilyar tayo sa red flag na nangangahulugan ng babala o warning. Ano naman ang green flag signs? Ito ay mga senyales o mga bagay kung saan nagsasabi na, you are on the right track or direction. Na makatutulong para maging matatag ang relasyon.
May mga pagkakataon na ang hinahanap ni misis o mister o ng isang kakilala o kaibigan ay yung butas o mali o pagkakamali lalo pa nga at may hindi napagkaintindihan o nagkaron ng misunderstanding.
Sabi ni Ms. Kim, hindi ba mas mainam kung sa halip na hanapan ng kamalian, ang tingnan ay yung mga bagay na nagpalapit sa inyo? Na naging pundasyon ng inyong relasyon.
Narito ang green flag signs na kaniyang ibinigay: you share common values, ideals; kumportable sa isa’t isa na pwede kang mag open up ng emotions, pati sikreto; dapat may tiwala; may open communication para malaman ng isa’t isa kung ano ang mga ayaw at gusto.
Habang nagtatagal aniya, ay doon malalaman kung ano talaga ang nagustuhan mo sa tao o sa kaibigan na nagpalapit ng kalooban kaya kayo nag click.
Ang green flag signs ang magga-guide sa’yo kung bakit pinili mo ang iyong partner o naging kaibigan mo ang isang tao.
Tandaan na ang bawat relasyon sabi ni Ms. Kim ay may unique characteristic, what works for you, may not work for another person. Kaya mali na ikumpara ang relasyon ninyo sa iba.
Dagdag pa ni Ms. Kim, we should build on the foundation of our relationship para magtagal.
Mas tatatag ang green flag kapag marunong tayong makinig, nakikipagkomunikasyon kahit na hindi ka masalita gawin mong maging masalita para mapag-usapan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa relasyon, at maging maunawain.