IBP hindi makikialam sa isyu ng pagditene kay OVP Chief of Staff Atty. Lopez
Tumanggi ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na makisawsaw sa isyu ng pag-contempt at pagditene ng Kamara sa chief of staff ni Vice- President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez
Ayon sa opisyal na pahayag ng IBP na pirmado ni IBP President Antonio Pido, mananatili itong non-political na organisasyon alinsunod sa Section 4 IBP by-Laws.
Batay pa sa nasabing probisyon, pinagbabawalan ang IBP na makihalo sa politika at maglabas ng anumang pahayag, gumawa ng anumang hakbang o aktibidad na pumapabor sa alinmang partido politikal.
Paliwanag pa ng IBP, si Lopez ay inimbitahan sa hearing ng Quad Committee hindi dahil sa isa itong abogado kundi dahil ito ay Chief of Staff ng bise-presidente.
Sinabi pa ng IBP na kung ito ay maglabas ng posisyon sa isyu ng pagpataw ng contempt at pagkulong kay Lopez ay maituturing ito na political action.
Moira Encina – Cruz