IBP hinikayat ang publiko na magparehistro para sa 2022 elections
Nanawagan na rin ang Integrated Bar of the Philippines sa publiko na magparehistro na sa COMELEC para makaboto sa darating na May 2022 elections.
Sinabi ni IBP National President Atty. Burt Estrada na nakiisa na rin ang grupo sa paghimok sa mamamayan na lumahok sa halalan dahil ito ang tamang bagay na dapat gawin.
Aniya bilang sentinel ng rule of law at democracy ay mahalaga na hikayatin ng IBP ang publiko na gamitin ang karapatan nito sa pagboto na isa sa mga pundasyon ng demokrasya.
Ayon pa sa liderato ng IBP, mahalaga na ipaalala sa mamamayan na nasa kanila ang kapangyarihan at ang lahat ng otoridad ng pamahalaan ay buhat sa kanila sa pamamagitan ng pagboto.
Moira Encina