IBP: IRR ng Anti- Terrow law, pwede ring makwestyon
Maaari daw maharap sa mga parehong pagkwestyon sa Anti-Terrorism law ang implementing rules and regulations o IRR ng kontrobersyal na batas na binalangkas ng DOJ at ng Anti- Terrorism Council.
Ito ang reaksyon ng Integrated Bar of the Philippines sa inilabas na IRR ng Anti- Terrorism Council at ng DOJ.
Sa isang statement, sinabi ni IBP President Domingo Egon Cayosa na welcome ang hakbangin ng DOJ na linawin at pawiin ang mga pangamba, pagtutol at kwestyon sa Anti- Terror Act sa pamamagitan ng IRR.
Pero, binigyang-diin ni Cayosa na hindi maaaring lumagpas ang IRR sa mga probisyon na nakasaad sa Anti- Terror law.
Dahil dito, sinabi ni Cayosa na mahalagang maresolba pa rin ang mga kontrobersyal na isyu sa batas dahil apektado ng batas ng mga susunod na henerasyon.
Kaugnay nito, umaasa ang IBP na resolbahin ng Korte Suprema batay sa merito ang lahat ng mga petisyon na inihain laban sa Anti- Terrorism law.
Batay sa mga kritiko, nanatili pa rin na malabo at malawak ang depenisyon ng terrorismo sa IRR ng batas.
Inihayag ng DOJ na nakalagay sa IRR kung papaano ipatutupad ang Anti Terror Act at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng mamamayan para makasunod sa batas.
Tiniyak din nila na na nirebyu nilang maigi ang Saligang Batas, Rules of Court, at mga umiiral na batas sa kanilang pagbuo sa implementing rules ng Anti-Terror law.
Moira Encina