IBP, nagbabala sa posibleng pag-atras ng foreign investors dahil sa Martial Law extension

Ibinabala ng Integrated Bar of the Philippines na posibleng umatras ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa at magbigay ng takot sa mga residente ang pagpapalawig pa ng  batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Atty. Egon Cayosa, Executive Vice President ng IBP nagpapatunay lamang ito na hindi kayang kontrolin ng pamahalaan ang kaguluhan dulot ng ISIS-inspired Maute group sa Marawi City.

Giit ni Cayosa, bagaman wala pang naitatalang karahasan sa dalawang buwang deklarasyon ng Martial Law, magbibigay naman ito ng negatibong implikasyon sa international community.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *