IBP posibleng kuwestiyunin sa korte ang ‘no vaccination, no ride policy’
Maaaring kuwestiyunin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa korte ang mga patakaran na naghihigpit sa paggalaw at biyahe ng mga hindi bakunadong indibiduwal.
Sa panayam ng programang ASPN, inihayag ni IBP National President Atty. Burt Estrada na puwedeng magsampa ng kaukulang kaso ang IBP laban sa mga polisiya gaya ng ‘no vaccination, no ride policy.’
Ito ay kung may lalapit aniya sa IBP na indibiduwal na may legal standing o apektado ng mga kinukuwestiyong patakaran.
Ayon kay Estrada, may libreng legal service ang IBP kaya handa sila na tulungan ang mga apektadong indibiduwal na magpapasaklolo sa kanila.
Moira Encina