Iglesia Ni Cristo International Aid to Humanity, isinagawa sa Malawi at Kenya sa Africa…Libu-libong katao nakinabang
Matapos ang matagumpay na Worldwide Walk Against Poverty noong nakaraang Mayo, nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo ng International Aid to hHumanity sa Africa, partikular sa Malawi at Kenya.
Nitong Hunyo 19 at 20, libu-libong mamamayan ng Samama village at Blantyre (blan-tire) sa Mangochi, Malawi ang nakinabang sa lingap maging ang mga nasa Kibera at Kawangware sa Nairobi, Kenya.
Isinagawa ng INC sa pamamagitan ng social arm nito, ang Felix Y. Manalo Foundation ang aktibidad sa Kibera at Kawangware sa Nairobi, Kenya nitong June 23 at 24.
Sinabi ni I-N-C General Auditor Glicerio Santos Jr. na layon ng lingap na matulungan ang mga nangangailangang mamamayan at naghihirap na komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo.
” Papaano iyong pag-ibig nating magagawa sa kapwa tao, iyong kapagka nasa panahon ng paghihirap ang isang tao,nandoon siya sa kaniyang matinding pangangailangan ay iniabot mo ang iyong kamay para tulungan ang isang mahirap, iyon ang tunay na pag-ibig sa kapwa. ‘yun ang isinasagawa ngayon ng Iglesia ni cristo na iyong mga mahihirap lalo na sa panahong ito na ang mundo ay tutuong nahihikahos ay maiabot natin ang tulong sa kanila.”
Sa isinagawang outreach program sa Africa, namahagi ng food packages na may maize meal at iba pang kailangan ng mga mamamayan ng Malawi at Kenya
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na ipinagkaloob ng Iglesia Ni Cristo.
Samantala, naging maayos naman ang aktibidad dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga chieftain at ng pulisya.
Ulat ni Leander Denver Garcia