Ika-10 na Justice Zone ilulunsad sa Zamboanga City
Pangungunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) sa paglulunsad ng Zamboanga City Justice Zone sa Pebrero 24.
Ayon sa Korte Suprema, ito na ang ika- 10 na Justice Zone sa bansa at ikatlo na inilunsad sa termino ni Gesmundo.
Ito ay isa sa mga proyekto ng JSCC na binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice (DOJ), at Department of Interior and Local Government (DILG).
Layon ng Justice Zones na mapalakas ang koordinasyon at komunikasyon ng Supreme Court, DOJ, at DILG upang makamit ang mabilis at patas na pangangasiwa ng criminal justice system sa bansa.
Ang iba pang Justice Zones na una nang itinatag ay nasa Quezon City, Cebu City, Davao City, Angeles City, Bacolod City, Naga City, Calamba City, Balanga City, at Baguio City.
Moira Encina