Ika-18 cabinet meeting, tumutok sa 2025 budget at flagship projects
Tumutok sa implementasyon ng 2025 National Budget at flagship projects ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, ang isinagawang 18th cabinet meeting ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito rin ang unang cabinet meeting para ngayong 2025.
Bukod sa Department of Budget and Management na tumalakay sa fiscal year 2025 General Appropriations Act, ay inatasan din na mag-ulat kay PBBM, ang iba pang ahensya gaya ng Department of Transportation o DOTr, kaugnay ng pagtugon sa mga delay sa implementasyon ng mga infrastracture flagship program ng ahensya.
tinalakay din ang food security at environmental protection sa nasabing pulong kasama naman ang DA, DAR at DENR.
Dumalo rin sa cabinet meeting ang mga kalihim ng Department of Tourism, Department of Trade and Industry at iba pa.
Eden Santos