Ika-4 na Botika ng Bayan ng DOH, pinasinayaan sa Trece Martires City, Cavite

Pinasinayaan na sa Trece Martites City ang ikaapat na Botika ng Bayan ng DOH.


Pinangunahan ito ng mga opisyal mula sa City Government of Trece Martires maging ng mga tauhan mula sa DOH reg. 4a kasama si DOH region 4a Director Eduardo Janairo.


Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, sa tulong aniya ng mga lokal na pamahalaan ay mapananatili at mabibigyan ng wastong pangangalaga ang lahat para hindi mapabayaan kalusugan ng mga mamamayan. 


Ayon pa kay Janairo, palalakasin din ng ahensya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong pharmaceutical companies para sila ay makapaglagay ng mga gamot sa mga itatatag pa nilang botika ng bayan. 
Ikinatuwa naman ni Trece Martires Mayor Gemma Lubigan na napili ng DOH ang kanilang siyudad para makapaglagay ng ganitong pasilidad para sa kanilang mga kababayan. 


Sinabi pa ng alkalde na isa ito sa mga pinakamaganda at pinakamalaking botika hindi lang sa buong Cavite kundi sa buong Calabarzon. 


Ilan naman sa mga available medicine na makukuha ng libre sa Botika ng Bayan ay mga 
paracetamol, antibiotics, topical ointments, anti-thrombotic, anti-inflammatory, anti-hyperlipidemic, oral hypoglycemic, vitamins, micronutrients, antacids and other essential drugs for asthma, hypertension, at diabetes. 


Kailangan lamang ay dalhin ang reseta ng gamot at magtungo sa botika ng bayan mula lunes hanggang biyernes  alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.


Samantala’y nagpapaalala naman ang DOH sa publiko na ang pinakamainam pa ring paraan ng pag aalaga at pag iingat sa sarili ay proper and balanced diet, pag iwas sa anumang uri ng bisyo, tamang pahinga, at regular na pag eehersisyo.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: