Ika-anim na Tourist Rest Area itatayo sa Bohol
Magkakaroon din ng Tourist Rest Area (TRA) sa Bohol.
Ito na ang ika-anim na TRA na sinimulan nang itayo ngayong taon.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang groundbreaking ceremony at ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa Bohol Provincial Government, lokal na pamahalaan ng Dauis, at Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Ayon kay Frasco, napili ang Bohol para pagtayuan ng TRA dahil sa paborito itong puntahan ng parehong lokal at dayuhang turista.
Layon aniya ng TRA na mapataas pa ang overall tourist experience sa probinsya.
Sinabi rin ng kalihim na ang munisipalidad ng Dauis kung saan itatayo ang TRA ay nasa strategic location sa pagitan ng Tagbilaran City at Panglao.
Sa Tagbilaran City, matatagpuan ang isa sa mga pangunahing gateways sa lalawigan, ang Tagbilaran City Seaport habang ang Panglao Island ang isa sa mga pinakaaktibong tourist destinations sa Bohol.
Moira Encina