Ika-apat na araw ng oral arguments ng SC hinggil sa pondo ng Philhealth sinabayan ng protesta ng health workers

0
SC BLDG IN BAGUIO CITY

Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang manggagawa sa sektor ng kalusugan, kasabay ng ika-apat na oral arguments ng Supreme Court (SC) tungkol sa pondo ng Philippine Insurance Corporation o PhilHealth.

Ipinahayag ng health workers ang kanilang paniniwala na ang paglilipat ng excess funds ng PhilHealth ay dapat ideklarang ilegal at labag sa saligang batas.

Anila, sa ilalim ng Section 11 ng Universal Health Care Act, nakasaad na walang bahagi ng reserve fund ng PhilHealth o kita nito ang dapat mapunta sa pangkalahatang pondo ng national government.


Albert Pascual, Secretary General Health Alliance Democracy

Ang health funds sa ilalim ng PhilHealth ay dapat gamitin nang naaangkop para sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga mamamayang Pilipino.

Dagdag pa ng mga ito, ang paglilipat nito sa pambansang kaban upang pondohan ang mga hindi naka-iskedyul na bagay sa labas ng sektor ng kalusugan ay salungat sa nakasaad sa batas.

Matatandaan, na sa mga nakaraang rounds ng oral arguments sa Supreme Court ay ipinakita rin ang mga pagkukulang ng PhilHealth sa pagtupad ng kanilang mandato sa mga mamamayang Pilipino.

Ven Lagunilla

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *