Ika-isang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte nais gunitain sa Marawi City
Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa lungsod ng Marawi gunitain ang ika-isang taong panunungkulan bilang Presidente ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag sa briefing sa Malakanyang na mismong inihayag ng Pangulo na magtutungo siya sa Marawi sa June 30 para ipadama sa mga residenteng apektado ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang Maute group na hindi sila pababayaan ng gobyerno.
Ayon kay Banaag ang schedule ng Pangulo sa Marawi City ay tentative pa lamang sa ngayon dahil depende sa security assessment kung ligtas na magtungo doon ang Chief Executive.
Noon pa gustong magtungo ng Pangulo sa Marawi City subalit hindi ito pinahihintulutan ng mga security personnel ng pamahalaan dahil nagpapatuloy pa ang military operations sa natitirang stronghold ng mga teroristang Maute group.
Ulat ni: Vic Somintac