Ika-pitong Tourist Rest Area itatayo sa Pagudpud, Ilocos Norte
Nagsagawa ng groundbreaking ang Department of Tourism (DOT) sa Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte para sa itatayong Tourist Rest Area doon.
Ang Saud Beach ay tinaguriang “Boracay of the North.”
Ito na ang ika-pitong TRA na itatayo ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa bansa.
Bago ang groundbreaking ay lumagda ng kasunduan ang DOT sa TIEZA, Ilocos Norte Provincial Government, at sa lokal na pamahalaan ng Pagudpud para sa konstruksyon at operasyon ng TRA.
Pinangunahan nina Tourism Secretary Christina Frasco, Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, at Pagudpud Mayor Rafael Benemerito II ang seremonya.
Ang TRA ay magkakaroon ng malinis at disenteng restrooms, information center, at pasalubong center.
Bahagi ito ng programa ng DOT para mapaganda ang tourist experience at mapalakas ang domestic tourism sa bansa.
Moira Encina