Ikaapat na nahatulan sa Chiong sisters rape-slay case na nakalaya rin dahil sa GCTA Law, nakatakdang lumaya – DOJ
Kinumpirma ni Justice Undersecretary Marrk Perete na napalaya rin nang maaga dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang ikaapat na nahatulan sa Chiong sisters rape- slay case na si James Anthony Uy.
Pero sinabi ni Perete nakatakdang sumuko si Uy kasama ni Josman Aznar na isa rin sa mga naconvict dahil sa Chiong sisters case.
Una nang sumuko noong Biyernes ng gabi sina Ariel Balansag at Alberto Caño na nakalaya rin dahil sa GCTA Law.
Nahatulan sila dahil sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong July 16, 1997.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: