Ikalawang bugso ng pamamahagi ng ayuda sa QC, sinimulan na
Sinimulan na ang pamamahagi ng Social Amelioration Program o SAP payout ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng second tranche para sa mahigit na 27,000 residente ng Quezon City na kabilang sa waitlisted beneficiaries.
Nagsimula ito ngayong araw at magpapatuloy sa Sabado, Mayo 15, Lunes Mayo 17 at Martes Mayo 18.
Katuwang ng DSWD sa pamamahagi ng nabanggit na Financial assistance ang QC Social Services Development Department.
Makakatanggap ng tig-8,000 piso ang mga qualified beneficiaries sa pamamagitan ng manual payout sa mga itinalagang payout sites.
Ayon sa QC – LGU, unang batch ito mula sa 82 barangay at magkakaroon pa ng mga kasunod na batches ng payout.
Kailangan lamang na makipag-ugnayan ang mga benepisaryo sa kani- kanilang Barangay upang malaman kung nasa listahan na ang kanilang pangalan.
Belle Surara