Ikalawang SONA ni Pangulong Duterte, gagamit ng mas maraming interpreters para sa Diplomatic Corps
Plano ng Malacanang na kumuha ng mas maraming interpreters para sa diplomatic corps sa idaraos na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong taon.
Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, ito ay upang mas maintindihan ng mga envoy mula sa iba’t ibang bansa ang magiging laman ng mensahe ng Pangulo lalo na kung hahaluan niya ito ng wikang Filipino.
Bukod dito, inihahanda na rin ang mga ibibigay na brochure sa lahat ng dadalo sa SONA kung saan nakalahad ang mga accomplishment ng administrasyon mula noong maupo si Pangulong Duterte sa puwesto.
Hinggil naman sa laman ng SONA ng Pangulo, sinabi ni Andanar na patuloy pa rin silang nangangalap ng mga report ngunit ang siguradong kabilang dito ay tungkol sa laban kontra illegal na droga, kurapsyon at kriminalidad.