Ikalawang SONA ni Pangulong Duterte, payapa – QCPD

Naging mapayapa sa kabuuan ang idinaos na ikalawang pag-uulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ito ang naging assessment ni Quezon City police district o QCPD head at ground commander Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, nasa 10,500 ang bilang ng mga anti-Duterte protesters habang umabot naman sa anim (6) na libo ang mga Pro-Administration marchers.

Wala rin aniya silang naaresto sinuman at gumawa ng mga marahas na komprontasyon at aksyon laban sa mga police officers na itinalagang magbantay sa paligid ng Batasan Complex.

Bgamat tinawag ni Eleazar na isang “security nightmare” ang pagharap ng Pangulong Duterte sa mga rallyista sa labas ng Batasan complex matapos ang kaniyang talumpati, wala namang nangyaring masama at hindi kanais-nais na pagkilos sa panig ng mga nagprotesta.

Ito rin aniya  ang unang pagkakataong naglaan ng kaniyang panahon ang Punong Ehekutibo na kausapin ang mga demonstrador na lumalaban sa kaniyang mga polisiya.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *