Ikalawang SONA ni PBBM pinaplantsa na ng KAMARA
Inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagdaragdag ng mga kwarto sa loob ng Batasan Complex para maaccommodate ang mga taong nais na saksihan ang ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24, 2023.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco nagkaroon na ng pagpupulong ang mga kinatawan ng Office of the Presidential Protocol, Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso upang pag-usapan ang arrangements sa SONA 2023.
Ayon kay Velasco inaasahang marami ang gustong manunuod ng SONA ng Pangulo dahil maluwag na ang health protocol sa kaso ng COVID 19 sa bansa.
Inihayag naman ni Chief Presidential Protocol Adelio Angelito Cruz na lahat ng napag-usapan sa paghahanda sa SONA ay ipapa-abot kay Pangulong Marcos para sa kanyang approval.
Kinumpirma ni Secretary General Velasco na ang SONA ay ila-livestream para sa mga hindi makakadalo ng personal sa Batasan Complex.
Vic Somintac