Ikalimang batch ng mga kaso kaugnay sa Dengvaxia, nakatakdang isampa ng Public Attorney’s Office sa November 18
Nakatakdang maghain ng panibagong batch ng kaso kaugnay sa Dengvaxia ang Public Attorney’s Office sa Nobyembre 18.
Sinabi ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, ang ikalimang batch ay bubuuin ng limang kaso na nag-ugat sa pagkamatay ng limang bata na nabakunahan ng anti- Dengue vaccine.
Samantala, nakatakdang magsumite sa november 18 ng rejoinder affidavits ang ilan pang mga respondents sa ikaapat na batch ng Dengvaxia case.
Sa Disyembre 18 naman maghahain ang PAO ng kanilang tugon sa rejoinder affidavit at pagkatapos nito ay idideklarang submitted for resolution na ang kaso.
Pangunahin sa mga kinasuhan sina dating health secretary Janette Garin at incumbent Health Secretary Francisco Duque III.
Ulat ni Moira Encina
ReplyForward |