Ikatlong batch ng mga ebidensya laban kina dating Pangulong Aquino at iba pang nasa likod ng DAP, isinumite sa DOJ

Nagsumite na ng mga panibagong ebidensya sa Department of Justice o DOJ si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica laban kay dating Pangulong Noynoy Aquno at iba pang opistal na nasa likod ng implementasyon ng Disbursement Acceleration program o DAP.

Ito na ang ikatlong bacth ng mga dokumentong isinumite ng grupo ni Belgica sa tanggapan ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II bilang bahagi ng case build up sa muling imbestigasyon sa anumalya sa DAP.

Sa sulat nina Belgica kay Aguirre, kabilang sa mga isinumite ay ang listahan ng mga Kongresista at Senador na tumanggap ng DAP noong 2011 na nagkakahalaga ng 819 milyong piso.

Iginiit ni Belgica na ginamit ng pamahalaang Aquino ang DAP at Pork Barrel bilang panuhol sa mga mambabatas para mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona.

 

Aniya posibleng nagalit si Aquino kay Corona dahil sa Hacienda Luisita ruling ng Supreme Court noong 2011 na pumabor sa mga magsasaka.

 

Ulat ni Moira Encina

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *