Ikinakasang imbestigasyon ng Kongreso sa performance ng Phivolcs, hindi haharangin ng Malakanyang
Kuntento ang Malakanyang sa performance ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o PHIVOLCS na pinamumunuan ni Director Renato Solidum hinggil sa ginagawang pagbibigay ng inpormasyon sa aktibidad ng bulkang Taal.
Tugon ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng plano ni Cavite Congressman Elpedio Barzaga na paimbestigahan sa kongreso ang umanoy hindi pagbibigay ng PHIVOLCS ng maagang abiso sa pagputok ng Taal volcano.
Ayon kay Panelo hindi naman katulad ng bagyo ang volcanic eruption na nakikita habang nabubuo.
Sinabi ni Panelo na maganda ang performance ni Director Solidum at mahusay itong magpaliwanag hinggil sa aktibidad ng Taal Volcano.
Inihayag ni Panelo na karapatan ng Kongreso na magsagawa ng inbestigasyon at hindi makikialam ang Malakanyang.
Ulat ni Vic Somintac