Ikinakasang Impeachment laban kay Pangulong Duterte malabong magtagumpay-ayon sa Malakanyang
Kumpiyansa ang Malakanyang na walang makukuhang suporta ang ikinakasang Impeachment complaint ni Magdalo Congressman Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinagbabasehan ni Alejano ang isyu sa West Philippine Sea kung saan hinahayaan umano ng Pangulo ang China na magpatuloy sa pagsasagawa ng reklamasyon sa mga lugar na sakop na ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque karapatan ni Alejano na maghain ng Impeachment complaint.
Paliwanag ni Roque malabong magtagumpay si Alejano na mapatalsik sa puwesto ang pangulo dahil walang ligal na basehan ang kanyang isasampang Impeachment complaint.
Pinayuhan ni Roque si Alejano sa halip na pagtuunan ng pansin ang Pangulo, mas makabubuting habulin ni Alejano ang mga dating opisyal ng pamahalaan o ang kanyang mga kakampi sa Liberal party na pumayag na hayaan ang China na makagawa ng mga artifical island sa West Philippine Sea.
Ulat ni Vic Somintac