Ikinakasang quo warranto case ng OSG laban kay Mayor Guo, mas mapapabilis kasunod ng fingerprint findings ng NBI

Tinawag na “breakthrough” ni Solicitor General Menardo Guevarra ang inilabas na findings ng NBI na nagsasabing pareho ang fingerprint ni suspended Bamban Mayor Alice Guo at ng Chinese citizen na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Guevarra, ito ang hinihintay ng OSG dahil malaki ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahain ng inihahanda nilang quo warranto case laban sa alkalde.

Sinabi ni Guevarra na binigyang linaw ng report ng NBI ang ukol sa tunay na pagkakakilan ng alkalde kabilang na ang pagka-mamamayan nito.

Paliwanag pa ni Guevarra, bukod sa quo warranto para mapatalsik si Guo sa puwesto ay maaaring kasuhan din ang mayor ng falsification at perjury dahil sa pagsisinungaling sa certificate of candidacy.

Moira Encina- Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *