Ilagan City, muling nagsagawa ng outreach program
Muling nagsagawa ng medical at dental mission ang lokal na pamahalaan ng Ilagan City sa Isabela, sa ilalim ng Dulog at Dinig Outreach Program.
Isinagawa ang outreach program sa Barangay Sindun Bayabo, kung saan maraming residente ang nakinabang.
Samantala, namahagi rin ng 230 sako ng binhi ng palay mula naman sa pakikipagtulungan ng regional office ng Dept. of Agriculture.
Kasama pa sa handog ng lokal na pamahalaan ang libreng gupit at feeding program para sa mga kabataan.
Kasabay ng outreach program ay ang pagpapasinaya sa bagong tayong Health Center at Day Care Center, sa Sitio Lagis na sakop pa rin ng nasabing barangay.
Bukod dito ay isinagawa rin ang ground breaking para sa itatayong covered court sa sitio.
Sa buong panahon ng mga aktibidad, ay mahihpit na ipinatupad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng kumpletong PPE ng medical practitioners na katuwang sa isinagawang aktibidad.
Sa maikling mensahe naman ni Ilagan City Mayor Jose Marie Diaz, ay sinabi nito na ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ang ilalapit sa mga Ilagueño, dahil sa mga residenteng hindi makalabas bunsod ng banta ng COVID-19.
Ulat ni Erwin Temperante