Ilan pang Barangay sa Maynila, isinailalim sa 4-day lockdown simula ngayong araw, March 22

Ilan pang Barangay sa lunsod ng Maynila ang isinailalim sa apat na araw na lockdown simulan ngayong araw, March 22.

Sa ipinalabas na advisory ng Manila Public Information Office, ang mga isinailalim sa lockdown ay mga sumusunod:

—Barangay 107
—Barangay 147
—Barangay 256
—Barangay 262
—Barangay 281 (Under Executive Order No. 10)
—Barangay 297
—Barangay 350
—Barangay 385
—Barangay 513
—Barangay 519
—Barangay 624
—Barangay 696
—Barangay 831
—Street lockdown (Barangay 353): Kusang Loob Street, Sta. Cruz
—Clustering Lockdown (Barangay 658): NYK Fil-Ship Management Building

Ayon sa Manila Public Information Office, ang paghihigpit na ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Manila Health Department para sa Disease surveillance at Massive contact tracing activities.

Lahat ng mga residente ng nasabing mga lugar ay mahigpit na ipinagbabawalang lumabas ng bahay maliban na lamang sa sumusunod:

— Health workers
—Military personnel
—Service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes)

—Utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation)
essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services)
—Barangay officials (Chairpersons, Barangay Secretary, Barangay Treasurers, Kagawads, and Executive Officers)
—Media practitioners accredited by the Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force

Magtatapos ang lockdown sa 11:59 ng gabi ng March 25.

=======

Please follow and like us: