Ilan pang Fast food chain, pinasisilip na rin ni Pangulong Duterte sa DOLE sa isyu ng Endo

 

Matapos iutos ng Department of Labor and Employment o DOLE sa pinoy fast food chain na Jollibee na gawing regular ang kanilang mahigit 6,000 empleyado, isusunod na naman ng administrasyong Duterte ang kakumpitensya nitong kainan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inutos na rin ng Pangulo na silipin ang status ng mga empleyado ng McDonalds.

Tulad ng Jollibee titingnan ng DOLE kung may mga empleyado ang fast food chain na para dapat sa nasabing trabaho pero hindi nare-regular.

Bukod sa McDo, target din ang sister company ng Jollibee na Chowking.

Ayon kay Bello, kahit wala pa ang Executive Order laban sa endo, may batas namang nagtatakda kung sinu- sino ang dapat na mairegular at kung ano ang trabaho naman ang dapat ay kontraktuwal lang.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *