Ilan pang Pinoy mula sa Lebanon darating sa bansa sa Linggong ito
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-uwi sa bansa ng ilang Pilipino mula sa West Bank at sa Lebanon sa linggong ito.
Kabilang sa mga darating sa Miyerkules ng gabi ang unang batch ng dalawang Pilipino mula sa West Bank.
Una nang itinaas ng DFA sa alert level 2 ang West Bank dahil sa Israel -Hamas war.
Ayon sa DFA at DMW, ang dalawa ay nasa Amman, Jordan na at sasakay ng Amman Air.
Bukod sa dalawa mula sa West Bank, may siyam na OFWs naman mula sa Lebanon ang uuwi sa Miyerkules at sa Biyernes ay may 12 overseas Pinoy ang ire-repatriate.
Sinabi naman ni DMW ASEC. Atty. Felicitas Bay na may inaasikaso lang silang exit clearance para sa mga Pinoy sa Lebanon at ilang documentation sa mga Pinoy mula sa West Bank.
Una nang nakauwi sa bansa noong November 3 ang unang batch ng OFWs mula sa Lebanon.
Nasa alert level 3 ang Lebanon na ang ibig sabihin ay voluntary repatriation bunga pa rin ng gulo ng Israel at Hamas.
Moira Encina