Ilang bahagi ng bansa makakaranas pa rin ng mga pag-ulan kahit nakalabas na ng PAR ang bagyong Jolina

 

Patuloy pa ring makararanas ng mga manaka-nakang pag-ulan ang bansa ngayong araw ng Lunes kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility o PAR ang bagyong Jolina noong Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pag-Asa,  ito ay dahil sa umiiral na Intertropical Convergence zone o ITCZ na nakaka-apekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa forecast ng Pag-Asa, makakaranas ng maulap na papawirin at light to moderate rains at paminsan-minsang malakas na pagbugso ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang isla ng Visayas, Bicol region, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Ang Metro Manila naman at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan at pagbugso-bugsong hangin.

Light to moderate winds naman ang mararanasan sa Northeast to Southeast ng Luzon at mula sa Southwest ng Visayas at Mindanao.

Magiging banayad ang alon sa mga karagatan ng bansa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *