Ilang balota sa CamSur, basa at walang Audit logs – Bongbong Marcos

Walang audit logs at basa ang ilan sa mga balota sa Camarines Sur.

Ito ay ayon kay dating Senador Bongbong Marcos batay sa obserbasyon niya sa pagsisimula ng Manual recount sa mga kinukwestyong balota sa pagka-Bise-presidente noong May 2016 elections.

Unang isinalang sa manual recount ang Camarines Sur na kabilang sa tatlong pilot provinces na tinukoy ng kampo ni Marcos.

Nagtungo si Marcos sa gymnasium ng Supreme Court- Court of Appeals para saksihan ang unang araw ng revision of votes o recount.

Sinabi ni Marcos na basa ang mga balota mula sa apat na presinto sa munisipalidad ng Bato sa Camarines Sur.

Kailangan anyang malaman kung paano nabasa ang mga balota dahil sa posibleng nabuksan ang mga ballot box.

Bukod dito, natuklasan din aniya na walang audit logs ang 38 mula sa 42 ballot box mula sa Bato.

Aniya mahalaga ang audit log dahil dito nakarekord ang oras ng pagbubukas ng voting precinct at pagsasara ng voting precinct.

Sa pamamagitan nito ay malalaman din anya kung masyadong napaaga ang pagsisimula ng boto at kung naantala ang pagtatapos ng boto

Mababatid din anya sa audit log kung lahat ng mga boto ay pumasok.

Ayon pa kay Marcos,  may isang ballot box na nakitang may butas na sa gilid.

Nababahala tuloy ang dating senador na maaring nabuksan ang mga ballot box at kinuha ang Audit log.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *