Ilang bangkay natagpuan sa mga lugar sa southeast Spain na sinalanta ng baha
Inihayag ng Valencia region head, na nakadiskubre ng hindi matukoy na bilang ng mga bangkay sa mga lugar na dumanas ng flash floods sa southeastern Spain.
Bumaha ang mga kalsada at mga bayan dahil sa malakas na mga pag-ulang dulot ng isang cold front na kumikilos sa magkabilang panig ng southeastern Spain, sanhi upang payuhan ng mga awtoridad sa mga lugar na pinaka naapektuhan na manatili sa kanilang tahanan at iwasan ang hindi mahahalagang pagbiyahe.
Sinabi ni Valencia regional leader Carlos Mazon, “Dead bodies have been found, but out of respect for the families, we are not going to provide any further data.”
Nagdeklara ang AEMET, weather agency ng Spain ng isang red alert sa eastern Valencia region, kung saan ilan sa mga lugar doon gaya ng Turis at Utiel ang nakapagtala ng 200mm ng ulan.
Dose-dosenang videos na ibinahagi sa social media ang nagpapakita ng mga tao na na-trap sa tubig-baha, ilan sa mga ito ay lumambitin sa mga puno upang hindi matangay.
Makikita naman sa ibang footage ang mga bumbero na gumamit na ng long-line rescue helicopters upang tulungan ang mga taong na-trap sa baha. Kita naman sa isang nag-viral na video ang isang tornado, na bihirang mangyari sa Spain.
Men walk along a flooded area after heavy rains and floods in Alora, Spain October 29, 2024. REUTERS/Jon Nazca
Hindi naman agad beneripika ng Reuters ang authenticity ng naturang mga video.
Daan-daang tawag na humihingi ng tulong ang natanggap ng radio at TV stations mula sa mga mamamayang na-trap sa mga lugar na binaha o kaya naman ay para hanapin ang kanilang mahal sa buhay, dahil hindi naman lahat ng lugar na naapektuhan ay naabot ng emergency services.
Ayon kay Mazon, “If (emergency services) have not arrived, it’s not due to a lack of means or predisposition, but a problem of access. Reaching certain areas was absolutely impossible.”
Sa isang footage ay makikita ang pagliligtas ng mga bumbero sa mga na-trap na driver sa gitna ng malakas na ulan sa bayan ng Alzira sa Valencia, at sa gitna ng mga binahang kalsada na may mga sasakyang na-stuck.
Ang mga eskuwelahan at iba pang mahahalagang serbisyo ay sinuspinde muna sa mga lugar na pinakamalubhang tinamaan.
Hiniling na rin ng local emergency services ang tulong ng UME, isang military unit na dalubhasa sa rescue operations, sa area ng Utiel-Requena, kung saan sinabi ng farmers’ association na ASAJA na ang bagyo ay lumikha na ng malubhang pinsala sa mga pananim.