Ilang bansa, tumatanggap na muli ng mga manggagawang Filipino -POEA
Sa kabila ng patuloy pang banta ng Covid-19 Pandemic, may ilang bansa na ang muling nagbukas para tumanggap ng mga manggagawang Pinoy.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administrator Bernard Olalia, ilan sa mga bansang ito ay ang Bahrain, Kingdom of Saudi Arabia at Japan.
Pero ayon kay Olalia, limitado pa ang kanilang pagproseso sa Saudi dahil may repatriation issue pa sila roon.
Umaasa naman ang opisyal na sa mga darating na araw ay madadagdagan pa ang mga bansa na magbubukas muli para sa mga manggagawang Pinoy.
Ayon kay Olalia, dahil sa Pandemic ay naging napakalaki ng demand para sa mga Pinoy nurses.
Pero patuloy pa rin naman aniya ang demand para sa mga household service workers at logistic jobs.
Madz Moratillo