Ilang barangay sa Tumauini, Isabela binaha dahil sa ulang dala ng bagyong “Ulysses”
Nagmistulang dagat ang ilang barangay sa bayan ng Tumauini, Isabela dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong “Ulysses.”
Bunsod ito ng pagtaas ng tubig sa Cagayan river, na naging sanhi ng pagbaha sa mga baranggay na malapir dito.
Kaugnay nito, namahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Tumauini sa pangunguna ni Mayor Arnold S. Bautista sa pamamagitan ng Tumauini rescue 811, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Philippine Coast Guard, kasama ng Bagong Pagasa rescue group, sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha.
Kasabay nito ang pagrescue sa nastranded na mga komunidad sa mga barangay na naapektuhan ng pagbaha.
Ulat ni Ryan Flores