Ilang bata sa lalawigan ng MIMAROPA nagpositibo sa tuberkulosis, ayon sa DOH-Region 4b
Hangad ng Department of Health na mawala na ang sakit na Tuberculosis sa bansa.
Kaya naman, patuloy ang kanilang pagsisikap na gumawa ng mga hakbangin at kaparaanan para matulungan ang mga mamamayan na makaiwas sa naturang sakit.
Sinabi ni DOH MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo sa tatlong daang mga kabataan na natagpuan nilang malnorished ay may taglay na tuberculosis.
Ito ay matapos na isagawa ang tuberculin skin testing sa ilang munisipalidad ng naturang lalawigan.
Ang mga nabanggit na bata na nagpositibo sa tuberkulosis ay sasailalim sa programang Oplan kain sigla para matulungan sila na maibalik ang sigla ng kanilang katawan at maging kaaliwan ng kanilang mga magulang.
Ulat ni: Anabelle Surara