Ilang bayan sa Albay, isinailalim sa GCQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19

Nanatili sa General Community Quarantine status ang ilang bayan sa Albay province dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Batay sa Executive Order No. 22 na inisyu ni  Governor Al Francis Bichara, kabilang sa mga bayan na ito ang Tiwi, Malinao, Malilipot, Sto. Domingo, Bacacay, Manito, Daraga, Camalig, at Oas, at mga lungsod ng Legazpi and Tabaco.

Gayunman nasa ilalim naman Modified GCQ ang mga bayan ng Rapu-Rapu, Jovelar, Guinobatan, Libon, Pioduran, at Polangui, at Ligao City.

Epektibo ang quarantine status mula July 1 hanggang 15.

Dahil nasa ilalim ng GCQ, limitado ang galaw ng mga residente at mas mahigpit na health protocol ang ipinaiiral gaya ng pagkakaroon ng mga checkpoint, granular lockdown, liquor an, curfew, pansamantalang pagsasara ng mga parke at resorts at pagbabawal sa mass gathering.

Batay sa datos ng Department of Health-Center for Health Development-Bicol hanggang kahapon, June 29, lumabas na umakyat na sa 2,171 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan matapos makapagtala ng panibagong 84 kaso.

Nasa kabuuang 4,347 ang kaso na may 2,049 recoveries at 127 na namatay.

Please follow and like us: