Ilang baybayin sa bansa, nananatiling positibo sa Red Tide toxin
Positibo pa rin sa red tide toxin ang ilang baybayin sa bansa.
Sa Shellfish Bulletin No. 30 na ipinalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang dito ang mga baybayin ng:
- Dauis at Tagbilaran city sa Bohol;
- Biliran Island;
- Daram Island, Maqueda, Villareal, Cambatutay, Irong-Irong at San Pedro bay sa Western Samar;
- Cancabato bay, Tacloban city, Leyte;
- Matarinao bay sa Eastern Samar;
- Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur;
- Baroy, Lanao del Norte
- Lianga bay, Surigao del Sur
- coastal waters ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal)
Paalala ng BFAR, ipinagbabawal ang paghango, pagkain at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish at acetes sa mga nasabing baybayin dahil hindi ito ligtas sa kalusugan ng tao.
Gayunman, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon basta’t nalinis mabuti, naalis ang mga lamang-loob at nalutong mabuti.
Please follow and like us: