Ilang baybayin sa Visayas at Mindanao, positibo pa rin sa red tide toxin
Nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang dito ang mga baybayin ng Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran city sa Bohol; Dumanquillas bay sa Zamboanga del Sur; Litalit bay, San Benito sa Surigao del Norte at Lianga bay sa Surigao del Sur.
Ipinagbabawal ang paghango, pagkain at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na mula sa mga nasabing baybayin.
Gayunman, sabi ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, hipon at alimango na mula sa mga nasabing lugar basta’t naluto, nalinis at nahugasang mabuti.
Samantala, ligtas naman na sa red tide toxin ang mga baybayin sa Bataan, partikular ang sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal.