Ilang biyahe ng sasakyang pandagat suspendido parin ngayong araw
Dahil sa masamang lagay ng panahon at malalakas na alon, ilang biyahe ng sasakyang pangdagat ang suspendido parin ngayong araw.
Sa abiso ng Philippine Ports Authority, suspendido ang biyahe ng Supercat mula Ormoc patungoong Cebu City, gayundin ng motorbanca na Leopard Sea Runner mula Ubay, Bohol papuntang Hilongos, Leyte at vice versa.
Suspendido rin ang byahe ng Ocean Ferries na papuntang Cebu to Palompon at vice versa at maging ang biyahe mula Ormoc papuntang Cebu.
Kanselado rin ang biyahe mula Larena patungong Tagbilaran, maging ang biyahe ng ferry mula Siquijor papuntang Dumaguete.
Suspendido rin ang biyahe ng MV November Cattleya mula Coron papuntang El Nido at biyahe ng MV Ma. Rebecca na Manila to Iloilo via Cuyo ito naman ay dahil sa epekto ng bagyong Betty at nakataas na gale warning.
Dahil sa malalaking alon, suspendido rin ang biyahe ng ferry at roro mula Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay maging ang biyahe mula Bulan, Sorsogon patungong Ticao Island sa Masbate.
Kanselado rin ang biyahe mula Mobo, Masbate papuntang Pio Duran, Albay at San Pascual, Masbate patungong Pasacao Camarines Sur
Suspendido parin ang biyahe mula Sebunag Port papuntang Pulupandan Port at vice versa.
Sa Batangas Port naman suspendido ang biyahe ng lahat ng fastcraft.
Suspendido rin ang biyahe ng Montenegro Shipping Lines na biyaheng Roxas – Caticlan.
Ayon sa PPA, sa Palawan, umabot sa higit dalawang daan ang naistranded na pasahero habang tig 8 lamang sa pantalan sa Mindoro at Bicol.
Madelyn Villar-Moratillo