Ilang dahilan ng paglaki ng tiyan ayon sa mga eksperto
Maraming dahilan kung bakit lumalaki ang tiyan ng isang tao lalo na ngayon at nararanasan ang pandemya.
Sa interview kay Dr. Roel Tolentino, isang Health at Wellness Advocate, sinabi niya na kabilang sa dahilan ng paglaki ng tiyan ay ang madalas na pag-inom ng soft drinks at kulang sa pag- inom ng tubig.
Paliwanag ni Dr. Tolentino, ang saganang asukal na taglay ng soft drinks ang siyang dahilan kung bakit mabilis ang paglaki ng waistline.
Sinabi pa ni Dr. Tolentino, may mga taong mabilis kumain.
Kapag aniya mabilis kumain, mas maraming calories ang nakukunsumo dahilan naman upang dumami o madagdagan ang fat cells sa katawan na kadalasan ay sa bahaging tiyan napupunta.
Isa pang dahilan ay hindi palakain ng mga pagkaing sagana sa fiber.
Napakahalaga nito dahil tinatanggal ng fiber ang fat cells sa stomach linings.
Dahil marami ang work from home, sinabi ni Dr. Tolentino na mas madalas na laging nakaupo kaya maraming fat cells ang naiipon sa tiyan na sanhi ng paglaki nito.
Sinabi rin ni Dr. Tolentino na ang kakulangan sa pagtulog ay magdudulot rin ng paglaki ng tiyan.
Aniya, kapag kulang sa tulog, mas nag kicrave sa matatamis na pagkain na siyang dahilan ng paglaki ng tiyan.
Ayon pa kay Dr. Tolentino, kapag nakararanas ng labis na stress, naglalabas ng cortisol ang katawan at ito ang sanhi upang maipon ang taba sa bandang tiyan.
Kaya payo ni Dr. Tolentino, ngayong nararanasan pa rin ang pandemya, I practice ang healthy lifestyle tulad ng pagkain ng sapat, paglalaan ng oras sa pag -eexercise, pag iwas sa mga sugary drinks at sa halip, dagdagan ang pag inom ng tubig.
Sa halip rin aniya na kumain ng three large meals kada araw, mas mainam na five small meals, sa ganitong paraan, maiiwasan ang paglaki ng tiyan.
Belle Surara