Ilang dayuhang isinasangkot sa POGO, nakabuo ng pamilya sa Pilipinas

Kasabay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa Philippine Offshore Gaming Operation o POGO, ilang dayuhang isinasangkot rito ang nakabuo ng pamilya sa Pilipinas.

Sa datos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC, aabot sila sa 24. Ang pinakamatanda ay 2 taong gulang at pinakabata naman ay 2 buwan.

Tiniyak naman ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, na kahit paano ay tinutulungan nila ang mga ito, gaya ng pambili ng gatas at diaper ng mga bata.

Para matulungan naman na makapaghanapbuhay ang mga ito, sinabi ni Cruz na plano nilang makipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills Development Authority.

Sa pamamagitan nito,matutulungan silang makapag-upgrade ng skills o mabigyan ng pwedeng pagkakitaan.

Isa pa aniya sa nakita ng PAOCC, ang ibang bata ay wala pang dokumento, ang iba naman hindi maideklara ang kanilang ama sa birth certificate.

Kaya plano aniya ng PAOCC na makipag-ugnayan sa mga embahada gaya halimbawa sa Chinese Embassy, para ma-acknowledge ng tatay sa dokumento ang mga bata.

Sa ngayon nasa higit 300 dayuhan pa ang nakaditini sa PAOCC facility at naghihintay na lang maideport pabalik sa kanilang bansa.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *