Ilang DFA Consular office, sarado mula March 29 – 31
Suspendido ang operasyon ng ilang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng Metro Manila at ilang kalapit probinsiya.
Sa DFA advisory, sarado mula March 29 hanggang 31 ang mga tanggapan nito sa Aseana Business park sa Parañaque City at consular offices sa Metro Manila, Antipolo, Dasmarinas, San Pablo, at Malolos.
Narito naman ang revised appointment schedule para sa mga indibidwal na maaapektuhan ng temporary closure:
Original appointment date — Revised appointment date
March 29 — April 5 to 8
March 30 — April 12 to 16
March 31 — April 19 to 23
Magpapadala rin ng email ang DFA para sa bagong appointment schedule.
Pinapayuhan din ng DFA ang mga bagong applicant na magtungo sa DFA website o kontakin sila sa pamamagitan ng email at mga official hotlines ng DFA.