Ilang empleyado ng DOJ, sinibak sa puwesto ni Justice Secretary Aguirre dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa pagproseso ng visa sa BI
Sibak sa puwesto ang ilang empleyado ng Department of Justice o DOJ dahil sa pagkakasangkot sa anumalya sa pagproseso ng Visa sa Bureau of Immigration.
Ayonkay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, iniutos niya ang pagtanggal sa ilang kawani ng DOJ matapos aminin ng mga ito ang kanilang pagkakadawit sa katiwalian.
Isasailalim din aniya sa Immigration lookout bulletin order ang mga nasabing DOJ employees.
Kasabay nito, inatasan ng kalihim ang NBI na mag-imbestiga at magsampa ng kaso laban sa mga nasabing tauhan ng DOJ.
Binalaan din ni Aguirre ang iba pang tiwaling kawani ng DOJ na umalis na lamang ang mga ito dahil magpapatuloy ang paglilinis sa kanilang kagawaran.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===