Ilang flights ng Philippine Airlines at AirAsia sa NAIA, ililipat ng terminal sa Disyembre
Magpapatupad ng terminal re-assignments ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa susunod na buwan.
Layon ng hakbang na matugunan ang congestion ng mga pasahero sa NAIA Terminal 2 at NAIA Terminal 4 lalo na sa inaasahang dagsa ng nga biyahero sa darating na holiday season.
Sa abiso ng MIAA, simula sa December 1 ang mga flight ng Philippine Airlines papunta at mula sa United States, Canada, Middle East at Bali (Denpasar) ay ililipat sa NAIA Terminal 1 mula NAIA Terminal 2.
Ang ibang PAL flights sa ibang international at domestic destinations ay mananatili sa NAIA Terminal 2.
Tinatayang 7,000 pasahero kada araw ang malilipat sa Terminal 1 na ang average passenger volume ay 13,000 per day.
Bukod sa PAL flights ay ililipat din ang mga biyahe ng AirAsia papunta at mula sa Cebu at Caticlan sa NAIA Terminal 3 mula sa Terminal 4 simula naman sa December 16.
Inaasahan na ang hakbang ay magpapaluwag sa pre-departure area ng Terminal 4 kung saan madalas naoobserbahan ang congestion ng mga pasahero.
Moira Encina