Ilang grupo ng kababaihan nagrally sa Senado para kondenahin si Sen. Tito Sotto

Sumugod sa Senado ang ilang grupo ng mga kababaihan para kondenahin si Senador Vicente Sotto.

Hiniling nila sa Senate Ethics Committee na imbestigahan si Sotto dahil sa umano’y pang-iinsulto sa mga kababaihan partikualr na kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo na labag sa itinatakda ng Magna Carta for Women.

Ayon sa pambansang koalisyon ng kababaihan, ang remark ni Sotto kay Taguiwalo ay isang pag-abuso sa mga single mother at tila pagpapakita ng matinding galit sa mga kababaihan.

Giit ng grupo,  tila masama talaga ang panlasa ni Sotto sa mga kababaihan katunayan isa ito sa mga humaharang noon na maisabatas ang Reproductive Health Law.

Wala pang pahayag hinggil dito si Sotto.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *