Ilang gulay na makatutulong upang lumakas ang Immune system
Napakahalagang malakas ang ating Immune system upang malabanan ang mga uri ng virus.
Sinabi ni Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, Director ng Food and Nutrition and Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), mayroong ilang gulay na makatutulong sa pagpapalakas ng resistensya.
Kabilang dito ang spinach.
Ayon kay Agdeppa nagtataglay ito ng Folate na nakatutulong upang gumawa ng cells.
Nire-repair din nito ang DNA cells ng katawan.
Ang spinach ay sagana rin sa Beta-carotene, Vitamin A, C at K na katuwang upang lumakas ang immune system.
Maliban sa spinach, ang Isa pang gulay na dapat hindi kalimutang kainin ay broccoli.
Mababa lang ang calories nito, sagana sa Vitamin A, C at E.
May antioxidants din ang brocolli na epektibong panlaban sa ilang uri ng sakit tulad ng diabetes at cancer.
Payo ni Agdeppa, ngayong Pandemya ugaliin ang pagkain ng mga uri ng gulay upang malabanan ang mga uri ng virus tulad ng Covid 19.
Belle Surara