Ilang incumbent senators nanguna sa Pulse Asia survey
Limang buwan bago ang eleksyon sa mayo, nanguna na sa survey ng senatoriables ang mga re electionist senators.
Sa pinakauling survey ng Pulse Asia na ginawa mula December 14 hanggang 21 nakuha ni Senador Grace Poe ang number one spot na may 75.6 percent.
Pumapangalawa sa kaniya si Senador Cynthia Villar na nakakuha ng 66.6 percent.
Nag tie naman sa ikatlo at ika-apat na pwesto sina Senador Sonny Angara at Congresswoman Pia Cayetano
Pasok naman sa ikalima hanggang ikapitong pwesto sina dating Senador Lito Lapid, Senador Nancy Binay at Senador Aquilino Koko Pimentel.
Napabilang rin sa magic 12 sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, dating Senador Serge Osmena, Ramon Bong Revilla, Jinggoy Estrada, dating PNP Chief Ronald Bato Dela rosa, dating Senador Mar Roxas at Senador JV Ejercito.
Sa survey, nasa ika-labing apat na pwesto si dating Special Assistant to the President Bong Go, na sinundan ni dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino at dating Senador Juan Ponce Enrile.
Kapwa nagpasalamat sina Poe at Angara sa ipinakitang suporta ng publiko.
“We are humbled by the unwavering support of our kababayan. this will serve both as an inspiration and challenge to continue working hard, grateful to the people for giving us the chance to help make lives a little better.”
Tiniyak ni Angara na may survey man o wala, tuloy ang kanilang magiging trabaho
“i am elated and humbled by the latest pulse asia survey results. my heartfelt thanks to the public for their continued trust and confidence.
Aminado naman si Ejercito na malaking bentahe talaga ang political advertisement sa mga radyo at telebisyon.
Katunayan, karamihan aniya sa mga nasa magic 12 na pumasok sa survey matindi na ang mga pol ads
.
“i am satisfied with the slow but steady improvement considering that most of those on top have political ads already. it might also add to the confusion of having 2 estradas”
Maaring lumikha rin aniya ng kalituhan sa publiko ang pagkakaroon ng dalawang Estrada na kapwa kakandidatong senador.
Pero naniniwala si Ejercito na hindi dapat maging basehan ang survey dahil hindi naman ito ang kumakatawan sa kabuuan ng mga botante.
Ulat ni Meanne Corvera