Ilang kalsada sa Baguio city at bahagi ng Cordillera region, isinara kasunod ng landslide
Sarado sa mga motorista ang ilang pangunahing kalsada na nag-uugnay sa Baguio city at ilang daang patungo sa ilang lalawigang sakop ng Cordillera region dahil sa landslide.
Sa report na ibinigay ng DPWH-CAR, isa sa may pinaka-grabeng sitwasyon ng landslide ay ang naganap sa Taloy Sur, Tuba, Benguet- Aspiras Palispis Highway o mas kilala sa tawag na Marcos highway.
Stranded simula pa kagabi ang mga sasakyan dahil sa pagguho ng lupa sa lugar.
Agad namang isinagawa ng DPWH ang clearing operations sa apektadong kalsada kung saan ay pinayagan nang makadaan ang mga sasakyan ngunit one lane passable lamang dahil sa maaari pang magdulot ng panganib sa mga nagdaraan dala ng mga debris.
Samantala ay nagpapatuloy din ang clearing operations sa may Bubon Virac – Kisad road sa Itogon, Benguet kung saan nagkaroon din ng soil erosion.
Pansamantalang pinalikas din ang ilang residente sa La Trinidad, Benguet na naapektuhan ng pagguho ng lupa at pagragasa ng tubig dulot ng tuluy-tuloy at magdamagang pag-ulan.
Nakapagtala rin ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Camp 5 sa Kennon Road, Tuba, Benguet, kung saan natabunan ng makapal na putik at bato ang buong kalsada.
Ilan pa sa mga kalsada na idineklarang one lane passable dahil sa soil erosion ay ang mga sumusunod:
Pinapag-ingat ang lahat ng mga biyahero na maging alerto dahil sa may mga portion ng kalsada at kabundukan na may posibilidad ang pagguho dahil sa nararanasan pa ring pag ulan.
Freddie Rulloda, EBC Correspondent