Ilang kalsada sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ulysses hindi parin madaanan
Mayroon pang 11 kalsada sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ulysses ang hindi sarado parin sa mga motorista.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, dalawa sa saradong kalsada ay sa Cordillera Administrative Region; tatlo sa Region 2 o Cagayan Valley ; lima sa Region 3 o Central Luzon at isa sa Region IV-A o Calabarzon.
Ito ay dahil sa mga nangyaring landslide, mudflow at pagbaha.
Sa Cagayan Valley, sarado parin ang Cagayan-Apayao Road, Itawes Bridge sa Tuao, Cagayan dahil sa mataas na tubig-baha.
Sarado rin ang Baybayog-Baggao-Dalin-Sta. Margarita Road, dahil sa landslide.
Habang sa Isabela, hindi pa rin madaraanan ang Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge, dahil sa baha.
Tiniyak naman ng DPWH ang kanilang tuloy-tuloy na clearing operations sa mga apektadong kalsada para mabuksan na ito sa lalong madaling panahon.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na humanap na muna ng alternatibong ruta.
Madz Moratillo