Ilang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ang hindi na makakalahok sa darating na halalan.
Ito ay matapos silang madiskwalipika at makansela ang kanilang inihaing Certificate of Candidacy.
Sa resolusyon ng Comelec 2nd division,diniskwalipika si Aniano Capinig na kumakandidato sa pagka punong barangay sa Masbate.
Ayon sa poll body, si Capinig ay una ng na-convict sa kasong illegal posession of firearms na may parusang prision correcional.
Ayon sa Comelec salig sa Omnibus election code ang sinumang nahatulan sa anumang offense na may penalty na higit 18 buwan ay dapat madiskwalipika.
Kinansela rin ng poll body ang COC ni Merson Calubag, kandidato sa pagka-SK Chairman sa Surigao del Norte dahil sa pagsisinungaling sa kanyang COC.
Napatunayan ng Comelec na ang kanyang ama ay myembro ng sangguniang barangay pero hindi nito idineklara.
Kanselado rin ang COC ni Ivy Jane Parohinog Miranda na kandidato sa pagka-SK Chairman sa Iloilo dahil sa hindi pagdedeklara na may kaanak siyang nakaupo sa Sangguniang Bayan.
Salig sa Anti Dynasty clause ng SK Reform Act, hindi pwedeng tumakbo sa SK ang may kaanak na kasalukuyang nakaupo sa puwesto mula barangay level pataas.
Madelyn Moratillo